Zoleta niyanig ni Balanga sa Philta Jr Tennis Classic
February 25, 2001 | 12:00am
Pinayukod ng second seed Edilyn Balanga ang top pick na si Bien Zoleta, 6-4, 6-3 kahapon upang maibulsa ang korona sa girls 14-under ng Philta Junior Tennis Classic 1 sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nauna rito, tinalo ni Czarina Mae Arevalo si Balanga, 6-3, 6-2 upang umusad sa girls 18-under final kontra No. 2 Vida Alpuerto na umiskor naman ng 3-6, 6-3, 6-4 panalo kontra No. 3 Deena Rose Cruz.
Sa iba pang laban, pinigil ni No. 1 Bambie Zoleta si Jessica Agra, 6-3, 6-3 at hiniya naman ni No. 2 Melissa Orteza si Hazel Ann Grecia, 6-0, 6-1 upang itakda ang kanilang title showdown sa girls 12-under class ng tournament na ito na hatid ng PSC at Nassau balls.
Sa boys division, pinabagsak ni No. 1 na si Patrick John Tierro si Paulino Sianson, 6-0, 6-4 upang humakbang sa 16-under division final kontra No. 4 Marvelous Cortez na nagtala ng 6-2, 6-2 taumpay kontra No. 2 Irwin de Guzman.
Ang iba pang umusad sa championship round sa 14-under category ay sina No. 1 Rico de Dios na nanaig kontra Kyle Dandan at No. 2 Mauric Lao na diniskaril naman ang kalabang si Arithmetico Lim, 6-0, 6-2.
Samantala, ginapi ni No. 2 Pablo Olivarez si Russell Arcilla Jr., 6-2, 6-3 upang makarating sa 12-under final, habang bumawi naman si Bambi Zoleta nang kanyang itakas ang 6-3, 6-2 tagumpay kontra Gerard Ngo at makapasok sa final ng unisex 10-under plum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended