USC-Cebu tumuntong sa quarterfinals
February 23, 2001 | 12:00am
Nakarating ng quarterfinals ang University of San Carlos Cebu 1 nang kanilang gulantangin ang defending champion San Sebastian College 1, 12-11 sa fourth round ng women’s division sa 5th Nestea Beach Volleyball University Challenge sa CCP Complex kahapon.
Bunga nito, isang panalo na lamang ang kailangan ng USC-Cebu 1 para makapasok sa semifinals round na gaganapin sa Abril 21-22 sa Boracay Island.
Naging epektibo ang tambalan nina Maricel Gitgit at Marie Cherie Montalbo upang igupo ang pares nina Jennifer Buhawe at Sheryl Tumayo.
Naka-bye sa unang round ang USC-Cebu 1 at ang kanilang unang panalo ay kontra sa kanilang mga kasamahang USC-team 2, 12-6.
Sumunod na naging biktima naman ng USC-Cebu 1 ang Foundation University 2 ng Dumaguete, 12-10 sa third round.
Nauna nang pumasok sa quarters ang South Western University Cebu 1 at San Sebastian College 2 sa women’s category at Foundation U Dumaguete, 1 at 2 sa men’s division.
Umabante na ang USC-Cebu sa 8-3 sa tulong ni Gitgit, 2nd year student ng HRM, na naging mautak sa paghulog ng mga bola.
Ngunit nakabawi naman ang mga national team members na sina Tumayo at Buhawe upang maitabla ang score sa 10-all.
Ang reception errors ng San Sebastian tandem ang nagbigay pagkakataon sa Cebu pairs na makasama sa eight team quarterfinals na gaganapin sa Linggo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest