^

PSN Palaro

Talao, bagong PBAPC prexy

-
Nahalal si Tito Talao na pangulo ng Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps nang walang lumaban dito sa isinagawang botohan noong Biyernes sa PhilSports Arena.

Hahalinhan ni Talao, beteranong sports journalist, si Rey Lachica ng Malaya na nagserbisyo ng dalawang terms bilang pangulo. Siya ang ikawalong pangulo ng press corps na binubuo ng mga sportswriters na regular na nagko-cover ng pinakamatandang professional na liga sa bansa.

At sa ikatlong pagkakataon, nanalo naman si Francis Ochoa ng Today bilang vice-president for external, habang si Mark Reyes ng Philippine Daily Inquirer ang iniluklok para sa internal vice-president.

Ang iba pang opisyales na kinabibilangan nina Lito Oredo ng Tumbok, secretary, Joel Orellana ng Kabayan, treasurer at Mae Ochoa ng Pilipino Star Ngayon, auditor.

Ang Directors ay sina Dave Coros, Bulletin; Nelson Beltran ng Philippine Star; Dodo Catacutan Bulletin; Lachica, Malaya; Barry Pascua, Bandera; Ramon Lorenzo, Sports-weekly; Ramil Cruz , Abante; Girlie Turno, Bulgar at Russel Cadayona, Balita.

Idaraos ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales ng PBAPC sa susunod na buwan ni PBA Commissioner Emilio "Jun" Bernardino bilang inducting officer.

ANG DIRECTORS

BARRY PASCUA

COMMISSIONER EMILIO

DAVE COROS

DODO CATACUTAN BULLETIN

FRANCIS OCHOA

GIRLIE TURNO

JOEL ORELLANA

LITO OREDO

MAE OCHOA

MARK REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with