PBL rookie draft ngayon

May kabuuang 58 na bago at talentong mukha ang naghihintay ng kanilang kapalaran sa Philippine Basketball League Rookie Draft na gaganapin sa PBL office sa Makati Coliseum sa ganap na alas-10:00 ng umaga.

Ang pagpili ay base sa pagtatapos ng mga koponan mula sa umpisa hanggang sa huling kumperensiya kung saan ang huling team -- ang Pharma Quick-- ang bibigyan ng insentibong mamili ng dalawang rookies sa unang round.

Tanging 58 lamang sa 258 aplikante ang nakapasa sa dalawang araw na rookie camp at karamihan dito ay naglaro sa Philippine Youth Basketball League.

"We have picked the bests who, we believe, are ready for action in the PBL," ani PBL commissioner Chino Trinidad.

"I believe these talents are the future of Philippine basketball. In fact, I have presented a proposal whereby PBL teams must pick up two or three of these rookies as part of the developmental program," dagdag pa niya.

Sa ilalim ng naturang set-up, ang PBL teams ay maaaring lumagpas sa regular 15-man lineup kung kukuha sila ng dalawa o tatlong baguhan sa rookie draft.

Ang mga rookies na ito ay sasailalim sa "allowance scheme’ at sasailalim din sa training pool ng kanilang magiging koponan.

Show comments