Nakataya ang cash prize na P1 million sa mapalad na mananalo sa nasabing star-studded event na ito. Inaanyayahan ang mga local celebrities na magpartisipa sa annual event na ito maging ang mga top 40 Pros at 30 Jungolfers sa bansa.
At ngayong nasa ika-11th taon, ang Goma Cup ang siya ngayong pinakamahaba at pinakamatagumpay na golf tournament at natatanging celebrity golf tournament sa bansa na inorganisa ng Hartebeest Entertainment Corporation.
Ang 11th Smart Zed Goma Cup ay suportado ng Smart Zed, Fairways & Bluewaters, G. P. Barnes Group of Companies, Ericsson, Nieva Sun, Bench, Premier Wines & Spirits, San Miguel Pale Pilsen, Pearl of the Pacific, Willys Beach Resort, Waling Waling Beach Hotel, Red Coconut Beach Hotel, Tirol and Tirol Beach Resort, Boracay Sand Castles, Apple, Kodak at Asian Spirit, ang tournament official carrier.