^

PSN Palaro

Martes, kampeon pa rin ng Avon 10K

-
Ipinamalas ng defending champion Christabel Martes ang pormang nagputong sa kanya ng korona noong isang taon upang bigyan ng magandang regalo ang kanyang sarili makaraang dominahin ang Avon 10K national championship sa Makati City kahapon ng umaga.

At dahil sa nakatayang biyahe sa Budapest, Hungary para kumatawan sa bansa sa darating na Avon Global Running Women’s Circuit 10K championship bukod pa ang premyong P25,000, magaang na tinahak ng 21-anyos na si Martes ang finish line sa tiyempong 37:06 sa 10K road run.

"Expected ko ito, walang masyadong malakas na mga kalaban. Si Hazel, sa 5K tumakbo, pero binakbakan ko pa rin kaya maganda ang winning time ko," pahayag ng tubong Benguet na kamakailan lang ay nagposte ng national record sa full marathon sa kanyang oras na 2:48.48 sa Standard Chartered Hongkong Marathon.

Pumangalawa kay Martes si Flordeliza Cachero, isang 20-anyos mula sa Baguio City at junior education student ng St. Louis University na may oras na 38:16 na nagbulsa ng P12,000 at tumersera si Mercedita Manipol na nagsumite ng oras na 38:40 at nag-uwi rin ng premyong P7,000.

Makakasama naman ni Martes sa biyahe patungong Budapest ang nanguna sa Avon Lady division na si Nancy Pajarillo na may tiyempong 43:42.

AVON GLOBAL RUNNING WOMEN

AVON LADY

BAGUIO CITY

CHRISTABEL MARTES

FLORDELIZA CACHERO

MAKATI CITY

MERCEDITA MANIPOL

NANCY PAJARILLO

SI HAZEL

ST. LOUIS UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with