Haharapin ni Guba, Palarong pambansa gold medalist si Luis Buenbrazo ng UST na umiskor ng 6-0, 6-1 pamamayani laban kay Marvin Macapagal sa Pebrero 23.
Sa iba pang resulta, kapwa nagposte ng parehong panalo sina top seeds Nico Riego de Dios at Raymond Villarete upang makapasok sa semifinals sa kani-kanilang divisions.
Hiniya ni De Dios si Paul Arjay Nicolas, 6-0, 6-0 upang umusad kontra third seed Kyle Dandan na nanaig naman kay Mark Tan, 6-0, 6-0 sa boys 14 under class.
Humakbang din sa susunod na round si Arithmetico Lim na nagtala ng 6-2, 6-2 tagumpay laban kay June Ochoa.
Sa kabila nito, humatak naman si Villarete ng 6-1, 6-0 tagumpay sa kalabang si Martin Ramos upang makasama sina Russel Arcilla Jr., na umiskor ng 6-1, 6-2 panalo kontra Daniel Luis Macalino sa boys 12-under semifinals.
At sa unisex 10-under division, tinalo ng No. 1 na si Bien Zoleta si Jessica Agra, 6-2, 6-1; pinayukod ni Gerard Ngo si Paul Magaway, 6-1, 6-2 at sinibak naman ni Joshua Tan Ho si Tomas Apacible, 6-1, 6-2 para makapasok rin sa semis round.
Ang iba pang nagsipanalo sa girls 18-under division ay sina No. 2 Vida Alpuerto, No, 3 Deena Rose Cruz, No. 4 Julie Ann Cadiente, Sherry Rose Ong, Tracy Bautista at Ivy de Castro na mapapasabak naman sa susunod na Linggo.