^

PSN Palaro

Ferrari pinatalsik ni Cuba sa Junior Tennis Cup

-
Umusad patungong quarterfinals ng boys’ 18-under ang top pick na si Johan Guba ng La Salle matapos na iposte ang 6-4, 6-0 panalo kontra Dino Paul Ferrari ng International School kahapon sa Philta Junior Tennis Classic 1 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Haharapin ni Guba, Palarong pambansa gold medalist si Luis Buenbrazo ng UST na umiskor ng 6-0, 6-1 pamamayani laban kay Marvin Macapagal sa Pebrero 23.

Sa iba pang resulta, kapwa nagposte ng parehong panalo sina top seeds Nico Riego de Dios at Raymond Villarete upang makapasok sa semifinals sa kani-kanilang divisions.

Hiniya ni De Dios si Paul Arjay Nicolas, 6-0, 6-0 upang umusad kontra third seed Kyle Dandan na nanaig naman kay Mark Tan, 6-0, 6-0 sa boys’ 14 under class.

Humakbang din sa susunod na round si Arithmetico Lim na nagtala ng 6-2, 6-2 tagumpay laban kay June Ochoa.

Sa kabila nito, humatak naman si Villarete ng 6-1, 6-0 tagumpay sa kalabang si Martin Ramos upang makasama sina Russel Arcilla Jr., na umiskor ng 6-1, 6-2 panalo kontra Daniel Luis Macalino sa boys’ 12-under semifinals.

At sa unisex 10-under division, tinalo ng No. 1 na si Bien Zoleta si Jessica Agra, 6-2, 6-1; pinayukod ni Gerard Ngo si Paul Magaway, 6-1, 6-2 at sinibak naman ni Joshua Tan Ho si Tomas Apacible, 6-1, 6-2 para makapasok rin sa semis round.

Ang iba pang nagsipanalo sa girls’ 18-under division ay sina No. 2 Vida Alpuerto, No, 3 Deena Rose Cruz, No. 4 Julie Ann Cadiente, Sherry Rose Ong, Tracy Bautista at Ivy de Castro na mapapasabak naman sa susunod na Linggo.

ARITHMETICO LIM

BIEN ZOLETA

DANIEL LUIS MACALINO

DE DIOS

DEENA ROSE CRUZ

DINO PAUL FERRARI

GERARD NGO

INTERNATIONAL SCHOOL

JESSICA AGRA

JOHAN GUBA

JOSHUA TAN HO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with