^

PSN Palaro

Alaska taob sa Red Bull sa PBA All-Filipino Cup

-
Nagbangon ang Batang Red Bull sa huling bahagi ng labanan upang maitakas ang 73-72 panalo kontra sa defending champion Alaska Aces sa pag-usad ng PBA All-Filipino Cup sa Phil-Sports Arena.

Umiskor ng krusiyal na basket si Davonn Harp at nagmintis naman sa huling posesyon ang Alaska na siyang nagkaloob sa Thunder ng ikatlong sunod na panalo sa 4 na laro.

Bagamat eksplosibong laro ang ipinamalas ni Kenneth Duremdes na tumapos ng 24 puntos, hindi naman sinamantala ng Aces ang pagkawala ni Mick Pennisi na walong minuto lamang naglaro nang ma-sprain ito.

Naglaho ang 68-56 pangunguna ng Alaska nang pakawalan ng Red Bull ang 15-2 run kung saan umiskor ng 8 sunod si Lowell Briones upang agawin ang kalamangan sa 71-70 matapos ang basket ni Junthy Valenzuela.

Agad namang nabawi ng Aces ang bentahe 72-71 matapos ang basket ni Duremdes ngunit naagaw ng Red Bull ang trangko nang pumasok ang layup ni Harp mula sa pasa ni Ato Agustin.

Nabigong agawin ng Alaska ang panalo nang pumaltos ang long jumper ni Rodney Santos hang-gang sa maubos ang oras sa pag-aagawan ng looseball.

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ATO AGUSTIN

BATANG RED BULL

DAVONN HARP

JUNTHY VALENZUELA

KENNETH DUREMDES

LOWELL BRIONES

MICK PENNISI

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with