Martes, handang ipagtanggol ang titulo ng Avon Global Run
February 14, 2001 | 12:00am
Ibubuhos lahat ng defending champion Christabel Martes ang kanyang lakas para sa kanyang kampanya na maitala ang back-to-back na panalo sa Avon Running 10K National Championship na nakatakda sa Linggo, Peb. 18 sa Makati City na co-sponsored ng The Peninsula Manila, Avon Teen Colors Lipshine at Avon Fashion Missy Collections.
Bukod kay 1999 Champion Hazel Madamba, inihayag ng race organizers ang listahan ng mga inanyayahang mga seeded runners mula sa ibat ibang bahagi ng bansa na lalahok sa P25,000 nakatayang premyo sa unang puwesto, ang pinakamalaking 10K race para sa local at karagdagang biyahe sa Budapest, Hungary para sa Avon running Global Womens Circuit 10K Championship.
Mangunguna sa listahan ng mga kalahok ang Avon Run winner na si Marigen Campos, habang isasabak naman mula sa Cebu ang tambalan nina Ruvelyn Legaspi at Nesiree Mendoza.
Ang Davao ay kakatawanin ni Milo Marathon finalist Racquel Velasco na mayroong best time na 45:35 sa 10K distance at ang 5,000 at 10,000 meters sa PRISAA champion Jaime Atuel ng Holy Cross of Davao na may personal best na 48:15.
Pambato naman ng Cagayan ang magkapatid na sina Ellen at Lorna Tolentino, hindi ang movie actress. Si Ellen ang Milo Marathon finalist noong nakaraang taon, habang si Lorna naman ang AVON regional run champion sa Cagayan de Oro.
Ang Baguio ay kakatawanin naman ng Avon Run finalists na si Flordeliza Cachero, habang ang Benguet ay babalikatin ni Martes.
Ang iba pang matitikas na runners na inaasahang lalahok ay sina Enate Sayrol, Juvy Madredia at dating walkathon champion Melinda Manahan mula sa Naga City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am