^

PSN Palaro

Pacquiao vs Senrima bout sa Pebrero 24

-
Ang pinakahihintay na laban nina Manny Pacquiao at Japan-based North Korean fighter Tetsutora Senrima sa Pebrero 17 ay nakansela.

Ang bagong araw para sa laban na tinaguriang "Rumble In Antipolo" ay sa Pebrero 24.

Ito ang inihayag ni promoter Gabriel ‘Bebot’ Elorde kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.

Inihayag ni Elorde na ang dahilan ay ilang teknikalidad at si Senrima ay hindi makararating sa takdang oras ng kanilang nakatakdang 12 round encounter sa Yñares Sports Center.

"The problem is on Senrima’s part. Eventhough he was born and raised in Japan, he still holds a North Korean passport," ani Elorde.

Ayon kay Elorde, dahil wala tayong diplomatic ties sa North Korea, kaila-ngan nilang kumuha ng clearance mula sa Immigration at sa Department of Foreign Affairs.

"But it will not end there. Hanggang ngayon ay hindi pa daw natatanggap ng kampo ni Senrima yung fax message mula sa Immigration at DFA and will take one week para ma-process doon sa kanila ang kanyang mga papeles kaya I decided to postponed the fight for a week," paliwanag pa ni Elorde.

Ito ang ikaapat na depensa ni Pac-quiao sa kanyang WBC International Super Bantamweight crown at nangakong gagawin ang lahat matapos ang kontrobersiyal na laban nito kay Nadel Huseein ng Australia noong Oktubre 2000.

Sinuwerte si Pacquiao upang maligtasan ang 4th round knockdown para mapagwagian ang laban sa pamamagitan ng 10th round TKO.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELORDE

HOLIDAY INN MANILA

INTERNATIONAL SUPER BANTAMWEIGHT

NADEL HUSEEIN

NORTH KOREA

NORTH KOREAN

SENRIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with