Ito ang pinatunayan ng maliit na si Eduardo Buenavista, ang pangunahing road runner sa 20K and below distance races, nang kanyang pangunahan ang Takbo Para Sa Kalikasan 10K run.
Mula sa simula, ang 22-anyos na Air Force man ay humalagpos na mula sa mga ibang partisipante at tawirin ang finish line nang may dalawang minutos na layo sa runner-up na si Daud Mama sa 31:30 at ibulsa ang cash prize na P10,000.
Sa kababaihan, hindi alintana ng Navy woman na si Hazel Madamba na galing lang siya sa sakit nang isang come-from-behind tagumpay laban kay Liza Yambao para mapagwagian ang karera.
Si Madamba na naorasan ng 39:48 ay tumanggap ng P10,000 habang ibinulsa naman ni Yambao (40:09), na pumangalawa lamang, ang P7,000 at tersera naman si dating Milo marathon champion Jona Gayumba-Atienza (40:11) na may P5,000.
Sina Buenavista at Madamba ang defending champions sa naturang karera.
Ang top finishers naman sa 5K side event ay sina Crisanto Canillo Jr. (15:20), Reynaldo delos Reyes (15:22) at Rene Herrera (15:43) sa kalalakihan habang sa kababaihan naman ay sina Mercedita Manipol (18:44), Enate Sayrol (19:49) at Jezza Delfin (20:33).
Ang event na inorganisa para makalikom ng pondo sa rehabilitasyon ng Manila Bay ay humatak ng 3,500 entries na kinabibilangan nina dating DILG Sec. Alfredo Lim, dating House Speaker Manny Villar, Atty. Kiko Pangilinan at Noli de Castro ng ABS-CBN.