^

PSN Palaro

Solong liderato asam ng SMBeer vs Pop Cola

-
Iisa lamang ang nasa isip ng San Miguel Beer sa kanilang nakatakdang laro ngayon sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA All-Filipino Cup.
Ito ay ang pagguhit ng kanilang ikatlong sunod na panalo upang manatili sa kanilang kinalalagyang solong liderato.

Makakasagupa ngayon ng Beermen ang Pop Cola Panthers sa pambungad na laban na sisimulan sa ganap na alas-4:15 ng hapon sa muling pagdako ng aksiyon sa Araneta Colisuem.

Nagtataglay ang SMB ng malinis na 2-0 win-loss slate sa kasalukuyan kasosyo ang Purefoods TJ Hotdogs dahil sa kanilang magkawangis na record.

Ngunit may tsansang masolo ng TJ Hotdogs ang pamumuno kung magagawa nilang magtagumpay sa Shell Velocity na kasalukuyang naglalaban sa isang out-of-town game sa Lipa, City Batangas habang sinusulat ang artikulong ito.

Kung di papalarin ang Purefoods ay may pagkakataon naman ang San Miguel na masolo ang pamumuno sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ngayon.

Magiging sandigan ng Beermen ang kanilang mga nakaraang pamamayani kontra sa kapatid na kumpanyang Barangay Ginebra, 92-88 noong Enero 31 at Sta. Lucia Realty noong Pebrero 4, 89-76.

Naririyan sina Danny Seigle, Danny Ildefonso, Nic Belasco, Olsen Ra-cela, Boybits Victoria at iba pa upang panatilihing malinis ang katayuan ng Beermen.

Ngunit sa pagnanasang makabangon sa nakaraang 72-79, pagkatalo kontra sa Mobiline Phone Pals noong Miyerkules, siguradong ibayong paglalaro naman ang ipapamalas nina Rudy Hatfield, Jojo Lastimosa, Edward Juinio, Johnny Abarrientos, Nelson Asaytono at iba pa.

Nakatakda namang magkrus ang landas ng Batang Red Bull at Mobiline sa ikalawang laro, dakong alas-6:30 ng gabi na mag-aagawan sa ikalawang sunod na panalo.

Ang Red Bull Thunder ay galing sa 76-60 panalo kontra sa Turbo Chargers habang tinalo naman ng Phone Pals ang Pop Cola sanhi ng kanilang magkatulad na 1-1 win-loss slate.

Bukod sa Red Bull at Mobiline, tabla naman ang Shell at Pop Cola sa 1-1 record.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

ANG RED BULL THUNDER

ARANETA COLISUEM

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BEERMEN

BOYBITS VICTORIA

CITY BATANGAS

DANNY ILDEFONSO

POP COLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with