MCC active chessfest sisimulan na

Susulong sa Linggo ang Metropolitan Chess Club Elementary Boys & Girls Active chess tournament sa 2/F PCI Bank Arcade, Greenhills Shopping Center sa San Juan.

Ang naturang isang araw na chess tournament ay bukas para sa lahat ng estudiyante ng Metro Manila at probinsiya at may nakalaang premyo, chess books at magazines para sa top ten winners. Anim na konsolasyon ang ibibigay rin sa Best player mula Grade I hanggang Grade VI.

Inaabisuhan ang mga magpapatala na magdala ng kani-kanilang school IDs at birth certificates. Ang huling oras na ibinigay para magpatala ay hanggang alas-9:30 ng umaga bago magsimula ang tournament sa alas-10. Para sa iba pang detalye, tumawag lamang sa MCC sa 8268560.

Show comments