Bahrain bokya rin sa Pinas
February 9, 2001 | 12:00am
Na-sweep ng Philippines ang Bahrain, 3-0 kahapon upang makasapok sa semifinals sa single round robin elimination ng Asia-Oceania Zone Group III competition sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nagpakita ng matinding performance ang quartet nina Johnny Arcilla, Adelo Abadia, Rolando Ruel Jr., at Joseph Victorino upang tapusin ang kanilang mga kalaban sa loob lamang ng tatlong oras at 17 minutos upang patilsikin ang Bahrain sa kontensiyon sanhi ng kanilang ikalawang dikit na talo.
Hindi man lamang binigyan ni Arcilla ng pagkakataon ang kanyang kalaban ng magpa-malas ito ng malalalim at mabibigat na tira upang itala ang 4-0, 4-0, 4-0 paninilat kontra Bader Abdul-Aal sa 35 minutong labanan.
Hindi pa kuntento, binug-bog naman ni Abadia, ang RP No. 1 single campaigner si Sayed Ismaeel, 4-0, 4-1, 4-0 sa 52 minutong labanan bago nangailangan lamang ang tandem nina Ruel at Victorino ng 90 minutos upang talunin ang tambalang Ismaeel Omar-Mohammed Ahmed, 5-3, 4-1, 5-4 (8-6).
Ang magiging kampeon at runner-up sa competisyon na ito ang iaangat sa Group II sa susunod na taon kung saan ang kampeon ay makakakuha ng entry patungo sa Group I sa 2003.
Tangka ng Filipinos na makuha ang No. 1 spot sa crossover semifinals sa kanilang pakikipaglaban sa Sri Lanka simula sa alas-10 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended