Estudyante sa Metro Manila lalahok din sa Avon Run

Inaasahang sasali din ang mga estudyante sa Avon Run sa Pebrero 18 sa Makati City.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Culture and Sports na nag-isyu ng kautusan sa iba’t ibang paaralan at colleges sa Metro Manila, inaasahan ng organizers, ang pinakamalaking all-female na karera sa bansa, na darami ang school contingents sa araw mismo ng karera.

Bilang karagdagang insentibo sa mga lalahok na paaralan sa 5K , ang Avon cosmetics ang magbibigay ng cash incentives sa pangunahing 3 paaralan na may pinakamaraming bilang ng 5K finishers.

"From a total half million price in cash and kind at stake, the biggest for a 5K, 10K race locally--P12,000, P5,000 at P3,000 ayon sa pagkakasunod, ang mapupunta sa top 3 schools that produce the most number of finishers in the 5K Fun Run and Fitness Walk," ani Avon Phils. PR manager Louie Migne.

Pinuri naman ni race organizer Rudy Biscocho ang Avon Cosmetics dahil sa desisyon para diretsong maging involve at hikayatin ang mga paaralang sumali.

Show comments