^

PSN Palaro

Luzon Colleges overall champ sa PRISAA Region I cluster

-
Humakot ng malalaking panalo sa anim na ball game finals ang Luzon Colleges makaraang dominahin ang tatlong iba pang disciplines upang sungkitin ang overall championships sa katatapos pa lamang na Private Schools Athletic Association (PRISAA) Region 1 Cluster sa Narciso Ramos Sports Complex sa Lingayen, Pangasinan.

Dominado ng mga atleta mula sa Luzon Colleges ang final day nang ma-sweep ang lahat ng final matches sa basketball, baseball, volleyball (women), softball, sepak takraw at football.

Nauna rito, ibinulsa na ng Luzon Colleges ang ginto sa chess, table tennis at sa walong weight division sa kompetisyon ng taekwondo.

Bukod sa Luzon Colleges, pitong iba pang kolehiyo at unibersidad ang lumahok din sa naturang meet na ito. Ito’y ang Divine World Colleges of Laoag, St. Louie College, Lerma College, Union Christian College, San Carlos College at Northern Philippines College for Maritime and Technological Studies.

Bunga ng kanilang ipinamalas na tikas, nakuha ng mga atleta mula sa Luzon Colleges ang 60% ng slots para kumatawan sa Region 1 sa nalalapit na PRISAA Games sa Marso 6-10 sa Dagupan, Pangasinan.

Pinarangalan ni National PRISAA president Emmanuel Angeles ang Region 1 head na si Luis ‘Chito" Samson para sa naging matagumpay na pagtanghal ng nasabing event.

DIVINE WORLD COLLEGES OF LAOAG

EMMANUEL ANGELES

LERMA COLLEGE

LUZON COLLEGES

MARITIME AND TECHNOLOGICAL STUDIES

NARCISO RAMOS SPORTS COMPLEX

NORTHERN PHILIPPINES COLLEGE

PANGASINAN

PRIVATE SCHOOLS ATHLETIC ASSOCIATION

SAN CARLOS COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with