^

PSN Palaro

Singapore taob sa Pinoy sa Asia Oceania Group III

-
Muling nabawi ng Philippines ang supremidad kontra sa Singapore matapos na hatawin ang 3-0 sweep sa kanilang best-of-three matches tie kahapon upang pamunuan ang opening day winners ng Asia-Oceania Zone Group III Davis Cup competitions sa Rizal Memorial Tennis Center.

Binuksan ng RP No. 2 player na si Jonhhy Arcilla ang kampanya ng Filipinos nang kanyang patalsikin si Yuan-Xian "Jensen" Hui sa pamamagitan ng kanyang malalalim na groundstrokes para sa 4-0, 4-2, 4-2 panalo.

Ang tagumpay na ito ay pinarisan naman ni Adelo Abadia nang kanyang iposte ang 4-1, 5-3, 4-1 tagumpay kontra Tun Yi Kho.

Kinumpleto ng tambalang Rolando Ruel Jr., at Joseph Victorino ang pagbokya sa Singaporeans nang kanilang itala ang 5-3, 4-2, 4-1 panalo kontra sa tandem nina Jun "Kevin" Ong at Li-Shen "Daryl" Tan.

"It’s a good start," wika ng Filipino non-playing captain Joseph Lizardo. Adelo and Johnny did their jobs well and were always able to recover from the few lapses they had. They did what we practiced."

Tangka ngayon ng Philippines ang isang slot sa crossover semifinals sa kanilang pakikipaglaban sa Bahrain na nakipaghatian ng singles matches sa Sri Lanka bago bumagsak ang ulan na naging sagabal sa kanilang doubles match.

Ang panibagong 3-0 na panalo ng bansa ang awtomatikong magkakaloob sa Filipinos ng slot sa semis.

Nanalo rin ang Kazakhstan sa group B kontra Qatar at naghati naman ang Saudi Arabia at Tajikistan sa kanilang unang dalawang laban sa isa pang group B tie.

Ginapi ni Pavel Baranov si Nasser Chanim Al Khulaffi, 5-4 (3), 4-1, 5-4 (2) at binomba naman ni Alexey Kedryuk si Sultan-Khalfan Al Alawin, 4-1, 4-0, 4-1 para sa Kasakhstan.

ADELO ABADIA

ADELO AND JOHNNY

ALEXEY KEDRYUK

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

JONHHY ARCILLA

JOSEPH LIZARDO

JOSEPH VICTORINO

NASSER CHANIM AL KHULAFFI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with