Nakatakda ang banggaan ng Shark at Welcoat bandang alas-5:30 ng hapon, matapos ang sagupaan naman sa pagitan ng RP team at Montana Jewelers sa isang exhibition game dakong alas-3:30.
Ang naturang exhibition game ay bahagi ng commitment ng PBL na tumulong sa development ng Philippine basketball at ang kampanya ng bansa sa international competitions.
Sa Game Three, siniguro ng Shark Energy Drink na walang hindi na mauulit ang naganap na pagwalis sa kanila ng Welcoat matapos na hatakin ang 65-50 tagumpay kontra sa Welcoat na siyang nagpalakas ng boost ng Power Booster patungo sa Game Four.
"Malaki ang impact ng panalong yun. We broke the myth na masu-sweep ng Welcoat ang series uli. And definitely, the momentum has shiftted to our side," wika ni Shark coach Leo Austria.
Isa sa susi ng Power Boosters sa kanilang panalong iyun ay ang pagdomina sa lahat ng departamento.
Kanilang dinomina ang boards, 41-35 kung saan nakakuha sila ng 20 puntos sa fastbreaks at mas higit na matatag ang kanilang pulso sa field sa kinanang 47% mula sa 22-of-47 attempts kumpara sa Paint Masters na nagkunekta lamang ng 15-of-53 para sa 28%.
Nananalasa si Roger Yap nang tumapos ng 15 puntos, walong rebounds at apat na assists, habang nagdagdag naman si Rysal Castro ng 13 puntos at limang rebounds.
At sa nasabi ring laro, halos namutakti ang Welcoat sa foul nang mata-wagan sila ng 35 fouls na nagkaloob sa Shark ng oportunidad na umiskor ng 20 puntos mula sa 34 pagtatangka sa free throw line.
Nalimita sa labang iyon si Yancy de Ocampo na nagbida sa Game One at Two na tumapos la-mang ng limang puntos at 10 rebounds, maging sina MVP Ren Ren Ritualo at jojo Manalo ay napigilan din sa kanilang itinalang 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod. (Ulat ni Maribeth Repizo)