Atletang Pinoy lalahok sa Sea Games

Ang karangalan ng bansa sa ilalim ng bagong gobyerno ang siyang pagtutuunan ng pansin, ayon kay Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit kung saan ang bansa ay lalahok sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Setyembre.

"The Southeast Asian Games is considered the lowest form of international competition. If we do not perform well in Kuala Lumpur, it’s going to be a huge embarrassment for us," wika ni Dayrit kahapon nang maging panauhin ito sa PSA Forum sa Holiday Inn Manila.

Kinukunsidera rin ni Dayrit na ang paglahok ng bansa sa Sea Games ay isang napaka-kritikal at ang importante rito ay ang prestihiyoso at ang imahe ng bansa.

"I am conditionally optimistic that under the administration of President Gloria Macapagal-Arroyo, we will be able to do well in Kuala Lumpur," wika pa ni Dayrit.

Inihayag din ni Dayrit na nakausap na niya si Pangulong Arroyo bago pa ito naging Presidente ng bansa noong huling bahagi ng nakaraang taon at siya ay nagpakita ng enthusiasm sa SEA Games, lalo na ng malaman niya na tayo ang magiging punong abala sa naturang meet sa 2005.

"Now that she has become our president, Mrs. Arroyo can now take a more active role in supporting our hosting of the 2005 Southeast Asian games. I told her then that we had the first female president (in Mrs. Corazon Aquino) when we staged the SEA Games in 1991 where we won 91 golds and placed second overall to Indonesia.

Kabilang sa mga kundisyon para makapagpakita ng maganda ang mga atletang Pinoy sa Kuala Lumpur, sinabi ni Dayrit ito ay ang mga suportang pinansiyal na kanilang inaasahang matatanggap mula sa government at private sector.

Show comments