Nakatakda ang unang sagupaan ng best-of-three matches ties sa alas-10 ng umaga matapos ang alas-8:30 ng umagang opening ceremonies na dadaluhan nina International Tennis Federation Davis Cup Committee Chairman Neale Fraser, Asian Tennis Federation President Eiichi Kawatei, Philippine Sports Commission Chairman Butch Tuason at Philippine Olympic Committee President Celso Dayrit.
Tangka ng Filipinos na makabangon at muling makakuha ng puwesto sa elite Group I ng zone kung saan nakatakda rin silang makipagpalitan ng paluan sa mga netters mula sa Bahrain at Sri Lanka sa Group A ng single round-robin eliminations ng two-group zone sa Huwebes at Biyernes, ayon sa pagkakasunod.
Ang top two teams sa nasabing grupo ang uusad sa crossover semifinals kontra sa topnotchers mula sa group B na binubuo ng Kazakshtan, Qatar, Saudi Arabia at Tajikistan. Haharapin ng Group A topnotchers ang group B second placer and vice-versa.
Mangunguna sa kampanya ng Filipinos sina world no. 1331 Adelo Abadia. Ang iba pang kasama sa koponan ay sina non-playing captain Joseph Lizardo, RP No. 2 Johnny Arcilla, Rolando Ruel Jr., at Joseph Victorino. Hawak ng RP ang 1-0 record kontra sa Singapore matapos na magsama ng talento sina Ody Gabriel, Felix Barrientos at Tony Boy del Rosario at igupo ang Singaporeans, 5-0 sa kanilang unang paghaharap at natatanging Davis Cup meeting noong 1984.