Makakaharap ni Tierro si Allan Agulto ng CLSU sa Muñoz, NE na nagpatalisk kay JR Celestino, 6-1, 0-6, 6-1 para sa titulo ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.
Bumalikwas si Riego de Dios sa pamamagitan ng 6-3, 6-0 pamamayani kontra naman kay La Salles Raymond Villarete sa boys 14-under bracket.
At sa girls 12-under divisions, tinalo ng mahigpit na paboritong si Jessica Agra ng Metro Tennis Camp si Sharlyn Nolasco, 6-2, 6-1 upang maitakda ang kanyang pakikipaglaban kontra Sarah Jane Lim na sumibak naman kay Brenda Noquillo, 6-0, 6-3.