^

PSN Palaro

‘Isali n’yo kami sa usapan’ — Jorge

-
Hiniling ni Basketball Association of the Philippines, Inc. (BAPI) secretary-general Nicanor Jorge na isama ang kanyang grupo sa kasalukuyang imbestigasyon ng Philippine Olympic Committee upang maresolba ang agawan sa liderato sa pagitan ng grupo ni Freddie Jalasco at Graham Lim.

Sinabi ni Jorge na bago magdesisyon ang POC sa Pebrero 7, iminungkahi nitong konsultahin ang kanyang grupo dahil ang BAPI ay ang kinikilala ng Securities and Exchange Commission.

Si Jorge ang sec-gen nang mairehistro ang BAPI noong 1994 bago ito nasibak sa isang emergency meeting noong 1995 kung saan idineklara ni Gonzalo Puyat ang kanyang sarili bilang chairman at itinalaga si Jalasco bilang pangulo.

"We’re fighting for our principles here," ani Jorge na panauhin sa lingguhang SCOOP forum sa Kamayan West Avenue. "The SEC, in fact, recognized our group as the real BAP Inc."

Lalong nagkagulo sa liderato ng BAP dahil karamihan sa mga miyembro ng board members ay bomoto kay Tiny Literal bilang pangulo upang patalsikin si Jalasco sa isang snap election na sinasabing illegal at labag sa constitution and by-laws.

Samantala, lalong lumakas ang kapit ni Jalasco sa posisyon na siyang kinikilala ng POC dahil sinabi ni ABC president Carl Menky Ching sa kanyang official statement na wala itong awtoridad para kilalanin ang grupo ni Literal na nagsabing kikilalanin sila ng ABC.

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CARL MENKY CHING

FREDDIE JALASCO

GONZALO PUYAT

GRAHAM LIM

JALASCO

JORGE

KAMAYAN WEST AVENUE

NICANOR JORGE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with