"In less than two days, this I can assure, we will get the ABC sanction. We are in touch regularly with ABC president Carl Cheng Minky and he has told us that he is 100% behind our group," ani Literal sa PSA Forum na lingguhang ginaganap sa Holiday Inn Manila.
Matatandaang si Minky ang ABC president na pinagbawalang makapasok sa Australia sa nakaraang Olympics na ginanap sa Sydney Australia dahil sa alegasyon tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa mga criminal syndicates sa Hongkong na kilala bilang triads.
Pinagdudahan ni Tito Tagle, ang secretary-general sa grupo ni Freddie Jalasco, kung makukuha ng grupo ni Literal ang sanction ng ABC.
"The ABC has 40 member countries and its president cannot act unilaterally on the matter," ani Tagle na nasa Forum din bilang observer. "Jalasco has the recognition of the Philippine Olympics Committee. The ABC cannot jump over the head of the POC.
"We have ousted Jalasco twice already," wika naman ni Literal. "The board has spoken. Jalasco is out, I am the new BAP president. The POC must recognize that," ani Literal.
Si Literal ay nahalal ng BAP Board members sa miting na isinaayos ni Secretary-General Graham Lim.