4 events ng MCC inihayag

Inihayag ng Metropolitan Chess Club ang kanilang apat na naka-schedule sa chess tournament ngayong Pebrero sa 2/F PCI Bank Arcade sa Greenhills Shopping Center.

Ang mga events na nakatakda ay ang mga sumusunod: Feb. 4 - Open; Feb. 11 - Elementary division; Feb. 18 - 2050 below at Feb. 25 - High School division.

Ang lahat ng nasabing kompetisyon ay gagamitan ng 25 minutong time control kada manlalaro.

Ang sinumang interesadong partido ay maaaring tumawag sa organizing MCC sa 8268560 para sa iba pang detalye.

Kailangang magsumite ng birth certificates sa enrollment ang sinumang ibig lumahok sa elementary at high school divisions.

Show comments