^

PSN Palaro

Yap, Villoria ’di pa makakalaro; Ildefonso ’di pinayagang pumarada sa PBA All-Filipino Cup

-
Nakatakdang pumirma ng dalawang taong kontrata si Roger Yap sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs ngayon ngunit hindi pa agad ito makakapaglaro sa nagbukas na 27th season ng Philippine Basketball Association.

Bilang pagsunod sa memorandum of Agreement ng PBA at Philippine Basketball League, tatlong laro ng TJ Hotdogs ang mami-miss ni Yap.

Inaasahang tatlong laro rin mawawala si Anton Villoria sa Red Bull Thunder.

Ito’y dahil kailangang tapusin nina Yap at Villoria ang kanilang kontrata sa kanilang koponan sa PBL na nasa final phase na.

Si Yap ay naglalaro sa Shark Energy Drink habang si Villoria naman ay nasa Welcoat Paints.

Ang Power Boosters at Paint Masters ay nakatakdang magsagupa sa best-of-seven finals ng Challenge Cup na magsisimula sa Huwebes.

Kung aabot sa pitong games ang finals, sa Pebrero 16 pa makakapaglaro sina Yap at Villoria sa PBA.

Si Yap ang ika-9th pick ng TJ Hotdogs sa PBA Draft noong Enero 14 habang si Villoria ang second round pick ng Thunder (ika-12th overall).

Bukod kina Yap at Villoria, nakapirma rin ng kontrata sina Marvin Ortiguerra, ang sixth overall pick ng Sta. Lucia at Recaredo Calimag, ang 15th pick ng Tanduay.

Samantala, hindi pinahintulutan ng PBA si Danny Ildefonso na sumama sa San Miguel Beer team sa parada ng mga koponan sa opening ceremonies.

Bigla na lamang hinila at pinigilan si Ildefonso nang tatawagin na ang Beermen para sa tradisyonal na parada.

Labis na nagdamdam si Ildefonso dahil ilang oras na itong naghintay para pumarada at wala man lang nagsabi sa kanya na hindi siya maaaring pumila.

Ayon kay Willie Marcial ng Vintage na siyang nagsabi kay Ildefonso na hindi ito maaaring pumarada, ito ay utos ni PBA Commissioner Jun Bernardino.

"Sabi kasi ni Commissioner, hindi siya puwedeng pumila kasi baka magka-problema. Wala kasi siyang kontrata," ani Marcial.

Ang labis na pinaghihinanakit ni Ildefonso ay gumawa pa ito ng paraan para makasama sa team parade.

Nagpaalam pa ito sa Tanduay at nagsabi rin ito sa San Miguel para makasama sa parada.

"Ilang oras na akong nandito, wala naman nagsabi sa akin na hindi ako puwedeng pumila," wika ni Ildefonso na naging kontrobersyal nitong mga nakaraang araw dahil sa pagpirma ng nakakalulang P96 milyong offer-sheet ng Tanduay na kasalukuyan pang sinusuri ng PBA Office kung ito ay legal at may limang araw ang Beermen para tapatan ito. (Ulat nina Carmela Ochoa at ACZaldivar)

ANG POWER BOOSTERS

ANTON VILLORIA

BEERMEN

ILDEFONSO

SI YAP

TANDUAY

VILLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with