P100,000 nakataya DZMM Takbo Para sa Kalikasan

Bukod sa commemorative T-shirts na ipamimigay sa mga kalahok sa nalalapit na DZMM Takbo Para Sa Kalikasan, pagkakalooban din ang mga top finishers ng hindi bababa sa P100,000 cash prize.

Ayon kay Angelo Palmones, DZMM station manager at project coordinator ng naturang event, mag-uuwi ang overall champion sa lalaki at babae sa 10K run ng tig-P10,000 at karagdagang tropeo, habang ang 1st runner-up ay P7,000 at P5,000 naman ang 3rd placers, bukod pa ang mga medalya.

Bibigyan naman ang 1st place finishers sa 3K run ng P3,000 at P2,000 at P1,000 naman ang 2nd at 3rd placers, ayon sa pagkakasunod.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa ABS-CBN public affairs department sa Mother Ignacia St. Quezon City at sa Greenhills Theater lobby sa Greenhills Shopping Complex sa Ortigas Avenue sa San Juan.

Show comments