Itoy ang three-time national champion De La Salle Zobel (NCR) at Pedro Gueverra Memorial High (Laguna) mula sa Luzon, La Salle Academy (Iligan City) at University of Mindanao (Davao) para sa Mindanao at ang St. Paul School (Barotac Nuevo) at West Negros College (Bacolod) ng Visayas.
Ang naturang anim na koponan ang nahirang na Luzon, Visayas at Mindanao titlist, ayon sa pagkakasunod sa tourney na ito na hatid ng Coca-Cola at ang Adidas ang siyang opisyal na bola.
Dadalo si Rep. Charlie Cojuangco, pangulo ng host Negros Occidental Football Association kasama sina Gov. Rafael Coscollueala at acting Bacolod Mayor Joy Valdez na maging panauhin sa opening ceremonies, alas-2 ng hapon.