PGNHS niyanig ng DLSZ booters sa 17th Coke Go-For-Goal
January 25, 2001 | 12:00am
Agad na ipinamalas ng National Capital Region champion De La Salle Zobel ang kanilang bangis sa pagsisimula ng all-Luzon finals ng 17th Coke Go-for-Goal under 16 football tournament nang bokyain ang Laguna titlist P. Guevarra National High School, 3-0 sa PhilSports field sa Pasig City noong Martes.
Maagang kinuha ng DLSZ na binanderahan ng limang hugot mula sa iba pang paaralan ang 2-0 kalamangan sa halftime na siya nilang naging tuntungan sa isang lopsided na panalo sa tourney na ito na hatid ng Coca-Cola at Adidas ang opisyal na bola.
Kumana si Gino Tongson, hinugot mula sa Ateneo de Manila ng goal sa 43rd at 86th minutes upang pangunahan ang kampanya ng NCR squad.
Kinumpleto ni P. Ozeta ang pananalasa ng NCR squad nang umiskor ng penalty kick sa 88th minute.
Sa unang laro, hiniya rin ng seven-time Luzon qualifier Sto. Domingo High of Albay Legaspi ang Taytay National High of Rizal, 2-0.
Binasag ni Federico Almaquer ang katahimikan sa fifth minute, habang umiskor ng ikalawang marker sa 30th minute si Gerol Lagman matapos na makawala mula sa Taytay High sweeper upang ihatid sa panalo ang kanilang koponan.
Ang top two Luzon finishers ang siyang uusad sa national finals na nakatakda sa Jen. 29-Feb. 2 sa Bacolod City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am