^

PSN Palaro

2nd Batang Pinoy sisikad ngayon

-
Nakatakdang idaos ngayon ang pinakamalaking sporting festival para sa mga kabataan--ang 2nd edisyon ng Philippine Youth Games-Batang Pinoy National Championship sa RECS Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Ang naturang sportfest ay lalahukan ng hindi bababa sa 3,500 manlalaro at mga delegasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Isang makulay na cultural presentations ang lalahukan ng libu-libong mag-aaral mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong elementary schools sa Laguna at mga kabataang artists mula sa Philippine High School for Arts ang inilinya ng Provincial Government of Laguna para sa isang magarbong opening ceremonies na sisimulan sa ala-una ng hapon.

Pangungunahan ni PSC chairman Carlos Tuason na siyang magsisilbing pangu-nahing tagapagsalita ang seremonya na aasistihan naman nina Laguna Gov. Joey Lina kasama si commissioner William Ramirez na siyang overall Batang Pinoy Director.

Kabilang din sa mga dadalo sina Philippine Olympic Committee President Celso Dayrit at PSC commissioners Ricardo Garcia, Amparo Lim at Leonardo Celles.

Inaasahang tatanggap ang top three LGUs na mangu-nguna sa paghakot ng mga medalya ng kani-kanilang insentibo mula sa PSC sa pamamagitan ng sports equipment at scholarship. Pagkakalooban din ang atletang makapagtatala ng panibagong records ng parehong insentibo.

Inaasahan din ang pagdalo nina Laguna vice-governor Teresita Lazaro, kasama ang mga miyembro ng provincial board sa opening ceremonies. Sasama rin ang mga local executives mula sa iba’t ibang LGUs at regional directors ng DECS sa kani-kanilang mga koponan sa pagparada.

Hindi bababa sa 16 sports events ang nakatakdang paglabanan sa Batang Pinoy Program ngayong taon at ito’y ang athletics, arnis, badminton, boxing, chess, gymnastics, swimming, volleyball, little league baseball, taekwondo, judo, karatedo, BMX-cycling, football, table tennis at lawn tennis.

Matatandaan na sa bisa ng Executive Order No. 44 na nilagdaan ni dating Pangulong Joseph Estrada, dalawang taon na ang nakakaraan, inilunsad ang Batang Pinoy bilang premier national sports program ng bansa para sa mga kabataan.

AMPARO LIM

BATANG PINOY

BATANG PINOY DIRECTOR

BATANG PINOY PROGRAM

CARLOS TUASON

EXECUTIVE ORDER NO

JOEY LINA

LAGUNA GOV

LEONARDO CELLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with