^

PSN Palaro

Mag-utol na Pumaren magkakahiwalay

-
Wala nang pag-asa pang makasama ng bagong Tanduay coach na si Derick Pumaren, ang kanyang kapatid na si Dindo sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association 2001 season na bubungaran ng All Filipino Conference.

Dalawang linggong nagkaroon ng negosas-yon ang Tanduay at Purefoods para sa posibleng paglipat ni Dindo sa Rhum Masters ngunit nahinto ang usapan.

"Derick wanted to bring Dindo in as playing coach," ani Mike Gon-zales. "We asked Purefoods what would be a suitable trade. At first, we talked about draft picks but we understand upper management eventually decided to keep Din-do."

Dahil hindi makukuha ng Tanduay si Pumaren, inaasahang kukunin ng Tanduay ang serbisyo ni Rommel Santos ang dating guard sa Shell.

Kasalukuyan ding nakikipagnegosasyon na ngayon ang Rhum Masters kay Bong Hawkins na kanilang nakuha sa Alaska Aces sa pamamagitan ng trade.

Kapalit ni Hawkins ay dalawang draft pick na wala pang tiyak kung anong taon.

Kahapon ay nakipagkita si Hawkins kay team manager David De Joya upang mabatid ang iaalok ng Rhum Masters.

Dahil sa pagpasok ni Hawkins ay pakakawalan na ng Tanduay si Benny Cheng.

Binigyan na rin ng offer ang mga draft picks na sina Oliver Agapito at Recaredo Calimag. Ang iba pang pitong draftees ng Tanduay kasama ang free agent na si Joel Co ay na-cut.

Hindi nagpakita si Maui Roca sa practice. Maaaring papirmahin sina Dominic Uy, David Friedhof, Joseph Salansang at Charles de Jesus bilang mga practice players ngunit sinabi ni Pumaren na mas pipiliin nilang makakita ng puwesto ang mga ito sa ibang koponan.

Nag-eensayo din sa Tanduay ang veteran free agent na si Terry Saldaña.

May isang sentro ding kinukuha ang Tanduay mula sa Metropolitan Basketball Association.

Nabinbin ang negosasyon dahil sa mga rally na nagaganap. Ang rights ng naturang sentro ay hawak ng isang PBA team.

Samantala, pinabagsak naman ng Shell ang Sta. Lucia, 92-67 sa isang practice game sa Loyola Center kahapon ng umaga.

Umiskor si rookie Michael Hrabak ng 26 puntos upang panguna-han ang Turbo Chargers na makakaasa na ngayon sa serbisyo ni Benjie Paras na magaling na ang injury.

Umiskor naman ng 20 puntos ang rookie na si Jojo Tangkay para sa Realtors. Hindi naglaro sina Dennis Espino, Felix Belano, Gerard Francisco, Richard del Rosario at Long David na pare-parehong may sakit.

Sina Marlou Aquino at rookie Marvin Ortiguerra ay nababad bunga ng paralisadong line-up ng Realtors. ( Q.Henson)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALL FILIPINO CONFERENCE

BENJIE PARAS

BENNY CHENG

BONG HAWKINS

DAHIL

DAVID DE JOYA

DINDO

RHUM MASTERS

TANDUAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with