Avon 10K National finals sa Pebrero 18

Ang inaasahang pinakamalaking all-women’s race ngayong taon, ang Avon 10K National finals ay itinakda sa Pebrero 18 na may mahigit sa 4,000 babaeng runners ang inaasahang lalahok.

Sa unang pagkakataon din sa mga nakalipas na taon, ang financial district ng Makati ang magiging venue ng Avon 10K finals sa pagsisimula at pagtatapos ng karera sa may kahabaan ng Ayala Avenue sa pagtawid ng Philippine Stock Exchange building. Ito ang ipinahayag ni race organizer Rudy Biscocho.

Ang karera ay katatampukan din ng pinakamalaking cash prize para sa local 10K run at posibleng biyahe sa Budapest, Hungary para naman sa Avon Global 10K championships.

"We have tied up with DECS for this year’s Avon run. We are also tapping different schools in Metro Manila to ensure a big field," ani Louie Migne, Avon PR manager.

Ang registration para sa karera ay tinatanggap na sa Greenhills Theater Lobby at sa Makati, Taft Avenue, EDSA, Shaw Blvd., Las Piñas, Sampaloc at Malolos Avon Center. Ang entry fee ay P75.00 na kabibilangan ng T-shirt at Avon gifts sa mga maagang magpaparehistro.

At para sa karagdagang detalye, tumawag sa telepono bilang 727-9987.

Show comments