Jaworski, Sotto atbp. inimbitahan sa PSA Awards Nights
January 16, 2001 | 12:00am
Ang mga legislators-sportmen, government officials at pangunahing sports leaders sa bansa ay inimbitahang dumalo sa annual PSA Awards Night sa Holiday Inn Manila.
Si Pangulong Joseph Estrada ang panauhing pandangal at inaasahang magpiprisinta ng PSA Athlete of the Year award kay Fil-Am golfer Dorothy Delasin sa event na nakatakda sa ganap na alas-7 ng gabi.
Sina Sen. Robert Jaworski at Sen. Tito Sotto ang mangunguna sa mga inimbitahang panauhin sa event kung saan ang mga pangunahing sports achievers ng taong 2000 ang bibigyan ng parangal at pagkilala ng pinakamatandang sports organization sa bansa.
Ang iba pang inaasahang dadalo ay sina Presidential Adviser for Flagship Projects Robert Aventajado, Agriculture Secretary Domingo Panganiban, PSC chairman Carlos Tuason, GAC chairman Dominador Cepeda at IOC representative Frank Elizalde.
Ang Daly-based na si Delasin, miyembro ng apat na national teams na nanalo ng award sa bisa ng kanyang mahusay na rookie campaign sa US LPGA Tour, ay darating bukas para personal na tanggapin ang karangalan.
Sinabi ni PSA president Lito Tacujan na ang imbitasyon para sa naturang affair na eksklusibo lamang para sa mga miyembro at kanilang panauhin ay nasa PSA reception.
Ang iba pang major awardees ay sina GM Buenaventura Bong Villamayor, Angelo Barretto, Danny Ildefonso, Ren Ren Ritualo, Gerard Cantada at physically-challenged powerlifter Angeline Dumapong.
Ang iba pang pararangalang RP Olympians ay kabibilangan nina Roberto Cruz, Eva Marie Ditan, Jasmin Strachan, Donald David Geisler, Larry Semillano, Romeo Brin, magkapatid na Arlan at Danilo Lerio, Lerma Bulauitan, Eduardo Buenavista, Jennifer Chan, Toni Leviste, Benjie Tolentino, Rasheya Jasmin Ruiz, Miguel Mendoza, Carlo Piccio, Jenny Rose Guerrero, Liza Danila, Zardo Domenios, Sheila Marie Perez at Andres Lubin.
Ang citations naman ay ibibigay sa San Miguel Beermen, San Juan Knights, La Salle Archers, Mark Paragua, Silver Story, Jenny Rosales, Paul del Rosario, Philip Alvendia, Glenn Aguilar, Andres Lubin, Antonio Taguyibao at mens chess Olympiad team.
Pitong founding members ng PSA ang pararangalan at ito ay sina dating press secretary at STAR columnist Teddy Benigno, Rod Reyes, Virgilio Pantaleon, Malaya executive editor Enrique Romualdez, Ernie Singson, vice-chairman ng Journal Group, Manila Standard golf columnist Taby Tabaniag at Tito Perez de Tagle, deputy sec-gen ng BAP.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended