^

PSN Palaro

Ayaw nga ba ni Seigle kay Altamirano ?

-
Coach nagbalik sa dating team, player, posibleng bumalik sa dating team.

Matapos magbalik sa Purefoods TJ Hotdogs si coach Eric Altamirano, maaaring maging dahilan ito upang magbalik naman sa Mobiline Phone Pals si Andy Seigle.

Napag-alaman sa isang impormante na interesadong bawiin ng Phone Pals si Seigle.

Sinabi ng source na tutol si Seigle sa pagkakatalaga ni Altamirano bilang head coach ng TJ Hotdogs kapalit ni Derick Pumaren na siyang bagong coach naman ng Tanduay Gold Rhum.

Matatandaang si Altamirano ang coach ng Mobiline nang mai-trade si Seigle kapalit ni Jerry Codiñera noong nakaraang taon.

Ngunit nang magbalik si Altamirano sa Purefoods, masaya naman itong tinanggap ng kanyang mga players at una pang bumati sa kanya si Seigle na kararating lamang mula sa US.

Samantala, nakapag-ensayo na ang mga draftees sa mga koponang kumuha sa kanila maliban lamang sa no. 2 pick na si Michael Hrabak.

Hindi sumipot si Hrabak sa ensayo ng Shell Velocity na siyang pumili sa Fil-Am sa PBA Annual Drafting na ginanap sa Glorietta sa Makati noong Linggo.

Ayon pa sa Shell, hindi rin nakikipag-ugnayan si Hrabak, galing sa University of Tampa, sa koponan kaya’t wala silang impormasyon tungkol dito.

May limang araw lamang ang bawat koponan para mapapirma ang kani-kanilang mga draftees.

Ayon sa kampo ng Shell, may kutob silang ayaw maglaro ni Hrabak sa kanilang koponan.

Ayon sa isang source, minsan ay nakipag-ensayo si Hrabak sa koponan ng Barangay Ginebra.

Sa iba pang balita, hinihintay pa rin ni Kenneth Duremdes ang napabalitang nakakasilaw na offer sheet para sa 1998 MVP ng Mobiline Phone Pals.

Dahil dito, nananatiling nakatiwangwang ang inihandang kontrata ng kanyang mother team na Alaska Aces.

Hiniling ni Duremdes sa Alaska na dagdagan ang bonus scheme sa kanyang kontrata at kung magkakagayo’y inaasahang makakapirma na si Duremdes sa linggong ito.

Sa iba pang balita, sinimulan na ang masusing imbestigasyon sa kontrata ni Pido Jarencio.

Kahapon ay ipinatawag sina Jarencio at Pop Cola team manager Elmer Yanga upang dinggin ang kanilang paliwanag ukol sa kaso ng player na sinasabing mayroong side contract na labag sa salary cap. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALTAMIRANO

ANDY SEIGLE

AYON

BARANGAY GINEBRA

CARMELA OCHOA

DERICK PUMAREN

HRABAK

MOBILINE PHONE PALS

SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with