^

PSN Palaro

Delasin, pararangalan sa PSA Awards Night

-
Ang lahat ay handa na para sa gaganaping PSA Awards Night at nakatakdang duma-ting ang Fil-Am golfer na si Dorothy Delasin sa Miyerkules ng umaga para sa gaganaping pagtitipon sa Huwebes ng gabi kung saan siya ay pararangalan bilang top sports achiever ng taong 2000.

Inanyayahan ang Pangulong Joseph Estrada na maging panauhing pandangal at presentor ng pangunahing award na nakatakda sa alas-7 ng gabi sa Holiday Inn Manila kung saan inaasahan na ihahayag niya ang bagong sports policies ng gobyerno.

Tinalo ni Delasin, isang four-time member na nahirang na pinakabatang manlalaro na nanalo ng LPGA event sa nakalipas na 25 taon sa edad na 19, ang World Boxing Council flyweight champion Malcolm Tuñacao para sa pinakamataas na karangalan, ang kauna-unahang award na mapapasakamay ng isang Fil-Am talent.

"I’m really honored and extremely happy to be voted as PSA Athlete of the Year," pahayag ni Delasin na ang hindi malilimutang kampanya niya bilang rookie ay ang mahirap na LPGA Tour na kinabibilangan ng kanyang panalo sa Giant Eagle Classic noong Hulyo at ang Rookie of the Year award.

Ayon kay PSA president Lito Tacujan, ang mga imbitas-yon para sa nasabing pagtitipon na eksklusibo lamang para sa mga miyembro at kani-kanilang mga panauhin ay makukuha sa PSA reception.

Inanyayahan din ang ilang matataas na sports official ng bansa sa pangunguna nina Philippine Sports Commission chairman Carlos Tuason at Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit at maging ang pinuno ng iba’t ibang NSAs (National Sports Associations) sa naturang event.

Bukod kina Delasin at Tuñacao, ang iba pang major awardees ay sina Grandmaster Buenaventura "Bong" Villamayor, racing champion Angelo Barretto, pro cager Danny Ildefonso, amateur cager Ren Ren Ritualo, amateur golfer Gerard Cantada at ang physically-challenged powerlifter Angeline Dumapong.

Ipalalabas ang tatlong oras na seremonya na hatid ng Red Bull at Agfa na may suporta naman mula sa McDonalds ng Viva Vintage Television sa IBC-13.

Ang iba pang gagawaran ng award ay ang RP Olympians na kinabibilangan nina taekwondo jins Roberto Cruz, Eva Marie Ditan, Jasmin Strachan at Donald David Geisler at ang mga boxers na sina Larry Semillano, Romeo Brin at ang magkapatid na Arlan at Danilo Lerio, tracksters Lerma Bulauitan, steeplechase Eduardo Buenavista, archer Jennifer Chan, equestrienne Toni Leviste, rower Benjie Tolentino, shooter Rasheya Jasmin Ruiz, swimmers Miguel Mendoza, Carlo Piccio, Jenny Rose Guerrero at Liza Danila at ang divers na si Zardo Domenios at Sheila Mae Perez at ang paralympian javelin thrower Andres Lubin.

ANDRES LUBIN

ANGELINE DUMAPONG

ANGELO BARRETTO

ATHLETE OF THE YEAR

AWARDS NIGHT

BENJIE TOLENTINO

CARLO PICCIO

CARLOS TUASON

CELSO DAYRIT

DELASIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with