P42-M kontrata ni Duremdes sa Alaska nakabitin
January 14, 2001 | 12:00am
Hindi pa nakakasiguro ang Alaska Aces na kanilang makakasama si Kenneth Duremdes sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) 2001 season.
Itoy dahil hindi pa tiyak kung mapapapirma nila ng panibagong kontrata ang 1998 Most Valuable Player.
Dumating na kamakalawa ng gabi si Duremdes buhat sa pagbabakasyon sa United States ngunit hindi ito nag-abalang makipagkita sa kanyang mother team para pumirma ng kanyang kontrata.
Matagal nang nakabinbin ang P42 milyong kontrata ni Duremdes na tatagal ng pitong taon.
At maaaring hindi na ito papakinabangan dahil tila mas interesado si Duremdes na maglaro sa ibang koponan.
Ayon sa isang impormante, nakipagkita kahapon si Duremdes kay Manny Pangilinan, ang team owner ng Mobiline Phone Pals na nauna nang nagpakita ng interes sa tinaguriang Captain Marbel.
Idinagdag ng source na sa naturang meeting, nakatakdang hainan ng Phone Pals si Duremdes ng panibagong offer sheet na mahirap nitong tanggihan.
May nauna nang offer sheet ang Mobiline kay Duremdes ngunit hindi na ito nakarating pa kay Duremdes.
Bagamat nakita na ito ni Alaska Team manager Joaqui Trillo, sinabi nito na handa itong tapatan ng Alaska.
Sinabi pa ni Trillo na kahit anong mangyari ay hindi nila pakakawalan si Duremdes matapos isa-isang mawala sa kanilang poder ang mga star players na sina Jojo Lastimosa kasunod sina Johnny Abarrientos at Poch Juinio na ngayon ay nasa Pop Cola na.
Dahil dito, malaki ang posibilidad na i-match din ng Aces ang panibagong offer sheet ng Phone Pals.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin napapapirma ng Alaska si Bong Hawkins. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended