Si Delasin, ang Daly-based Fil-Am na ibinoto bilang Atleta ng taon dahil sa kanyang mahusay na rookie campaign sa US LPGA tour ay darating sa Enero 17 upang personal na tanggapin ang karangalan, na sa unang pagkakataon ay iginawad sa isang Fil-Am talent.
Anim pang ibang atleta ang tatanggap ng major awards na sina World Boxing Council flyweight champion Malcolm Tuñacao, Grandmaster Buenaventura Villamayor, ra-cing champion Angelo Barretto, pro cager Danny Ildefonso, amateur cager Ren Ren Ritualo at physically-challenged power-lifter Angeline Dumapong.
Inimbitahan si Pangulong Joseph Estrada para magprisinta ng prestihiyosong PSA Athlete of the Year award. Ang affair ay itinataguyod ng Red Bull, Agfa Color at suportado ng McDonalds.
Ang tatlong oras na parangal na eksklusibo para sa mga PSA members at panauhin ay ipapalabas ng Viva-Vintage sa IBC 13 sa ibang araw.
Ang iba pang pararangalan ay ang mga RP Olympians na sina taek-wondo jins Roberto Cruz, Eva Marie Ditan, Jasmin Strachan, at Donald David Geisler, boxers Larry Semillano, Romeo Brin, Arlan at Danilo Lerio, trackster Lerma Buluitan, steeplechaser Eduardo Buenavista, archer Jennifer Chan, equestrianne Toni Leviste, rower Benjie Tolentino, shooter Ra-sheya Jasmin Ruis, swimmers Miguel Mendoza, Carlo Piccio, Jenny Rose Guerrero at Liza Danila, divers Zardo Domenios at Sheila Mae Perez at paralympian javelin thrower Andres Lubin.
Bibigyan din ng citations ang mga deserving athletes, teams at organisasyon sa kanilang pagkilala sa tagumpay sa local at international sporting front at kontribusyon sa development ng sports sa bansa.