Skyland Estate finalist na sa PYBL

Naokupahan ng Sky-land Estate ang unang finals berth nang kani-lang igupo ang Mercury Freight, 90-71 sa semifinals ng PYBL (Philippine Youth Basketball League) sa Makati Coliseum kahapon.

Sa kaagahan pa lamang ng labanan, ramdam na ng Skyland ang kanilang tagumpay nang kanilang iposte ang 44-29 bentahe sa pagsasara ng first half at di na muling binigyan pa ng pagkakataon ang kalaban na makaba-ngon.

Bunga nito, hihintayin na lamang ng Skyland ang kanilang makakalaban sa pagitan ng Dazz-Letran at MLQU-Boysen Paints para sa winner-take all finals ng PYBL.

Pinangunahan ni Jeff Cocsin ang apat na nagtala ng double figures sa paghakot ng 20 puntos kasunod si Roberto Sierra, Alfie Grijaldo at Marlon Tadeo na may 18, 16 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.

Show comments