^

PSN Palaro

Walang offer sheet ang Mobiline kay Duremdes

-
Hindi hahainan ng Mobiline ng offer sheet ang Alaska star na si Kenneth Duremdes.

Ito ang ipinahayag ng Phone Pals team manager Frankie Lim ngunit sinabi nitong umaasa pa rin itong mapapapirma nila sa kanilang koponan ang PBA MVP mula sa Marbel, South Cotabato.

Ayon kay Lim, kasalukuyang nag-uusap ang Board representative ng Mobiline na si Ignatius Yenko at Alaska Team owner Wilfred Uytengsu ukol kay Duremdes.

"I’m not involved in the negotiations- all I know is we won’t tender an offer sheet," wika ni Lim. "It’s all up to Kenneth-I think he has an idea of what’s on the table. We’re talking of a contract for seven years."

Ukol naman kay Benjie Paras, sinabi ni Lim na higit na mapapalakas nito ang Phone Pals ngunit kung ang pagkuha ng kanyang serbisyo ay nangangahulugan ng pagtre-trade ng quality player tulad ni Jerry Codiñera ay kakalimutan na lamang niya ito.

"We’’ll stick with Jerry--we know he’s healthy and we know what he can do on the floor," ani Lim.

Sa mga Mobiline free agents, sinabi ni Lim na binigyan ng one-year extension si Gabby Cui habang sina Eric Reyes, Al Solis at Boyet Francisco ay binigyan na ng release papers. Bagamat di pa nakakapirma si Josel Angeles, inaasahang mananatili ito sa koponan.

Ukol naman sa Annual Draft na gaganapin sa Linggo, sinabi naman ni Lim na umaasa pa ang Phone Pals na makakuha ng mas mataas na pick.
Ang Mobiline ang may karapatan sa no. 7 overall pick na kanilang nakuha sa Tanduay matapos ang Jeffrey Cariaso trade. Ang kanilang regular no.5 slot ay napunta sa Shell matapos ang Victor Pablo deal.

Ayon kay Lim, ipipinalisa ng Mobiline ang kanilang line-up pagkatapos ng drafting.

AL SOLIS

ALASKA TEAM

ANG MOBILINE

AYON

LIM

MOBILINE

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with