^

PSN Palaro

Patrimonio, kinukunsiderang maging head coach ng Purefoods

-
Mahaba na ang listahan ng mga pangalang pinagpipilian ng Purefoods upang umokupa sa nabakanteng puwesto ng head coach.

Isa na namang pangalan ang naidagdag at ito ay ang pangalan ng ‘The Captain’ Alvin Patrimonio.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, inalok ng Purefoods management na punan ng four-time Most Valuable player na si Patrimonio ang head coaching staff ng Purefoods Team.

Ang naturang posisyon ay iniwan ni Derrick Pumaren na ngayon ay itinalaga nang coach ng Tanduay Gold Rhum.

Sinabi ng source na masusing pinag-iisipan ito ni Patrimonio na susunod sa yapak nina Robert Jaworski na ngayon ay isa nang senador at Allan Caidic na pawang mga naging playing coach.

Idinagdag din ng source na naitalaga na rin si Ryan Gregorio ang magiging assistant coach nang sinumang mapipili ng Purefoods sa kanilang mga kandidato.

Sa iba pang balita, nagkaroon naman ng problema ang Tanduay Gold Rhum sa kontrata ni Pido Jarencio.

Ayon sa isang source, planong ibalik ng Pop Cola si Jarencio sa Tan-duay dahil may diperensiya ang kanyang kontrata.

Sinabi ng impormante ng mas mababa ang nakasaad na halaga sa UPC (Uniform players contract) ni Jarencio kaysa sa aktuwal na tinatanggap nito mula sa Tanduay.

Si Jarencio kasama si Rudy Hatfield ay nai-trade sa Pop Cola kapalit ni Noli Locsin. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

AYON

CARMELA OCHOA

DERRICK PUMAREN

JARENCIO

MOST VALUABLE

POP COLA

PUREFOODS

TANDUAY GOLD RHUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with