^

PSN Palaro

Espinosa yuko kay Sanchez

-
Yumukod ang two-time champion na si Luisito Espinosa kontra kay Augie Sanchez sa isang undercard na laban.

Pinabagsak ni Sanchez si Espinosa sa ikaapat na round sa kanyang unang laban matapos mabigo sa kanyang title bid kontra kay Naseem Hamed.

Mahina ang simula ni Sanchez ngunit unti-unti itong nakabangon sa ikalawang round.

Lalo pa itong tumindi sa ikatlong round nang kanyang pabagsakin si Espinosa sa pamamagitan ng right hand sa kalagitnaan ng naturang yugto.

Bagamat bumangon pa si Espinosa at nanatiling buhay matapos ang sunod-sunod na head punches sa pagtunog ng bell.

Ngunit sa puntong ito, malinaw na sa lahat kung sino ang mananalo.

Matapos ang sunud-sunod na suntok , naging dahilan ito upang umatras si Espinosa at mapaluhod ang isang tuhod sa lubid.

Itinigil ni referee Joe Cortez ang laban, 1:36 ang oras sa ikaapat na round.

Si Sanchez ay tinalo ni Hamed sa ikaapat na round noong Agosto 19.

vuukle comment

AGOSTO

AUGIE SANCHEZ

BAGAMAT

ESPINOSA

ITINIGIL

JOE CORTEZ

LUISITO ESPINOSA

NASEEM HAMED

SANCHEZ

SI SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with