Ang alok ay naiulat na kinukunsidera ng Turbo Chargers na interesado rin sa isang player tulad ni Meneses na makakatulong sa pagbangon ng Shell sa kanilang pinakamasamang season noong nakaraang taon kung saan nabigo silang makapasok sa quarterfinal ng tatlong kumperensiya.
Ngunit ang dalawang bagay na pumipigil sa Shell ay ang age factor at ang posibilidad na hindi nila makukuha ang kanilang Fil-Am.
Si Telan ay mas bata at makakapag-deliver kung mabibigyan ng break. Malaking tulong ito sa Shell noong nakaraang taon upang punan ang pagkawala ni Benjie Paras na 10-games lamang nakapaglaro dahil sa sari-saring injuries.
Sa prinsipiyo, nabili na ng Shell ang P10milyong kontrata ni Fil-Am Matt Mitchell na nangangailangan pang makakuha ng Certificate of confirmation mula sa Department of Justice. Ngunit mababalewala ang lahat ng usapan kung hindi ito makakakuha ng certificate sa DOJ.
Nakuha ng Shell si Telan sa three-team trade bago magbukas ang season noong nakaraang taon.
Ang first rounder na si Telan ay ipinasa ng Tanduay Rhum sa Mobiline kapalit ni Jeffrey Cariaso. Ipinasa naman ng Phone Pals si Telan kasama si Bryan Gahol sa Shell kapalit ni Victor Pablo.
May tatlong taon pang natitira si Telan sa kanyang kontrata.
Si Meneses naman ay napadpad sa Ginebra kapalit ni Noli Locsin na naglalaro ngayon sa Pop Cola. Noong nakaraang taon, binigyan si Meneses ng five year extension contract na nagkakahalaga ng P500,000 kada buwang sahod.
Kung magtatagum-pay ang Ginebra sa pagkuha kay Telan, mapapalakas ang frontline ng Gin Kings sa tulong nina 1993 Rookie of the Year Jun Limpot at Fil-Italian Alex Crisano.
Kung mapupunta ng Shell si Meneses. Ito ang kanyang ikalimang kopo-nan matapos magsimula sa Great Taste noong 1992 bago nalipat sa Sta. Lucia Realty at sa Pop Cola.