Maynila pinabagsak ang Skyland Estate sa pagtatapos ng PYBL
January 8, 2001 | 12:00am
Pinabagsak ng Maynila ang Skyland Estate, 85-81 para sa kanilang magandang pagtatapos kahapon sa 1st Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.
Sumandal si coach Patrick Aquino sa maliliit na player na sina John Paul Prior, Paul Artadi at Richard Gutierrez sa pagbangon ng Maynila sa second half upang magtapos na taglay ang 2-3 win-loss slate.
Umiskor ng 11-puntos sa tinapos na 18 si Prior sa ikatlong quarter habang nag-ambag naman ng pito at anim na puntos sina Gutierrez at Artadi ayon sa pagkakasunod nang baligtarin ng Maynila ang 31-41 deficit sa 58-52 pangunguna
Nagtabla ang score sa 64-all at nakipagtulungan si Jayarr Estrada kay Marvin Castañeda sa 15-2 blast na naghatid sa Maynila sa panigurong 79-68 kalamangan, 3:55 na lamang ang oras sa laro.
Balewala ang kabiguan para sa Estate Builders na nakakasiguro na ng slot sa semifinals matapos ang 74-71 pamamayani kontra sa Mercury Freight-St. Benilde noong Miyerkules.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended