Makakaharap ni Bumgarner ang second seed na si Bambi Zoleta na humatak ng 6-3, 6-1 panalo kontra kay Jessica Agra.
Sa iba pang laro, dinimoralisa ni Melissa Orteza si Isabelle Culaba, 6-0, 6-0 upang makausad laban sa top seed na si Bien Zoleta na nanalo sa pamamagitan ng default laban kay Ira Bautista.
Nauna rito, tinalo ng no. 3 na si Jandrick de Castro si Kyle Dandan, 6-3, 6-2 at dinispatsa naman ni no. 4 Michael Basco si Miles Hontiveros, 6-0, 6-0 upang makasama si top seed Nico Riego de Dios at no. 2 Nestor Celestino Jr. sa boys 14-under quarterfinals.
Ang iba pang mga nanalo ay sinaArithmetico Lim at Zozimo Battad.
Nakarating din sa ikalawang rounds ng boys 18-under division ng weekend-only tournament na ito na suportado ng PSC, Viva Mineral Water at Nassau Balls ay sina Christian Cuarto at Junjie Guadayo.
Tinalo ni Cuarto si Jet Esteller, 6-3, 6-1 upang itakda ang pakikipag-harap kay Harristotle Orendain na nagtala ng 6-3, 6-2 pamamayani kontra kay loubert Lacerna habang tinalo naman ni Guadayo si Denny Rey Reyes, 7-5, 6-4 upang isaayos ang pakikipaglaban kay Martin Temblique na nag-walk over kontra kay Jonathan Molina.
Sa boys 16-under class, ang nagsipag-panalo sa first round ay sina Boris Jan Chavez, Marco Antonio Palanca, Eldridge de Castro, Vai James Villanueva, John Inri Grafe at Edgardo Banaag.