^

PSN Palaro

Bumgarner umusad sa semifinal

-
Naghabol si Michelle Bumgarner laban kay Ana Buenviaje, 6-4, 0-6, 6-2 kahapon upang maka-usad sa semifinals ng girls’ 12-under division ng 12th Andrada Cup Age Group Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Makakaharap ni Bumgarner ang second seed na si Bambi Zoleta na humatak ng 6-3, 6-1 panalo kontra kay Jessica Agra.

Sa iba pang laro, dinimoralisa ni Melissa Orteza si Isabelle Culaba, 6-0, 6-0 upang makausad laban sa top seed na si Bien Zoleta na nanalo sa pamamagitan ng default laban kay Ira Bautista.

Nauna rito, tinalo ng no. 3 na si Jandrick de Castro si Kyle Dandan, 6-3, 6-2 at dinispatsa naman ni no. 4 Michael Basco si Miles Hontiveros, 6-0, 6-0 upang makasama si top seed Nico Riego de Dios at no. 2 Nestor Celestino Jr. sa boys’ 14-under quarterfinals.

Ang iba pang mga nanalo ay sinaArithmetico Lim at Zozimo Battad.

Nakarating din sa ikalawang rounds ng boys’ 18-under division ng weekend-only tournament na ito na suportado ng PSC, Viva Mineral Water at Nassau Balls ay sina Christian Cuarto at Junjie Guadayo.

Tinalo ni Cuarto si Jet Esteller, 6-3, 6-1 upang itakda ang pakikipag-harap kay Harristotle Orendain na nagtala ng 6-3, 6-2 pamamayani kontra kay loubert Lacerna habang tinalo naman ni Guadayo si Denny Rey Reyes, 7-5, 6-4 upang isaayos ang pakikipaglaban kay Martin Temblique na nag-walk over kontra kay Jonathan Molina.

Sa boys’ 16-under class, ang nagsipag-panalo sa first round ay sina Boris Jan Chavez, Marco Antonio Palanca, Eldridge de Castro, Vai James Villanueva, John Inri Grafe at Edgardo Banaag.

ANA BUENVIAJE

ANDRADA CUP AGE GROUP CHAMPIONSHIPS

BAMBI ZOLETA

BIEN ZOLETA

BORIS JAN CHAVEZ

CHRISTIAN CUARTO

DENNY REY REYES

EDGARDO BANAAG

HARRISTOTLE ORENDAIN

IRA BAUTISTA

ISABELLE CULABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with