^

PSN Palaro

'Matira ang matibay' sa laban ng Ateneo-Pioneer at Ana Freezers

-
Ito ang magiging senaryo sa nakatakdang paghaharap ngayon ng Ateneo-Pioneer at Ana Freezers kung saan pag-aagawan nila ang huling semifinals slot sa playoff game ng PBL 2000 Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Ang mananalo sa engkuwentrong magsisimula sa alas-4 ng hapon ang siyang makakasama ng lider na Shark Energy Drink, defending champion Welcoat Paints, Blu Sun Power, Montana Pawnshop at Hapee Toothpaste sa six-team carryover semifinals.

Pasalamat ang Ana Freezers sa Osaka Iridology na pinatalsik ang Ateneo-Pioneer, 66-59 noong Huwebes ng gabi upang ipuwersa ang playoff.

At sa labang ito, mahigpit na paborito ang Freezer Kings na maduplika ang kanilang 52-44 panalo kontra sa Pioneer Insurers noong nakaraang Dec. 2.

Hawak ng Pioneer Insurers ang bentahe sa kanilang taas sa likuran ng twin tower na sina 6’6 Enrico Villanueva at 6’7 Paolo Bugia.

Ngunit tatapatan naman ito ng malalintang depensa ng Freezer Kings sa pagbabalik sa aksiyon ni Robin Mendoza na siyang magpapalakas ng morale ng backcourt.

Nauna rito, maghaharap naman ang Dazz-Letran at ang Spring Cooking Oil sa alas-2 bilang pampagana sa PYBL tournament.

Samantala, kailangan ng high-leaping at dating Adamson Falcon na si Tristan Codamon na makahingi ng unconditional release mula sa Blu Sun Power bago siya payagan para sa 2001 PBA Annual Draft sa Enero 14.

Ito ang sinabi ni PBL commissioner Chino Trinidad kahapon at kanyang binigyan ng palugit ang 6’6 na si Codamon ng hanggang Enero 9 upang maayos ang kanyang problema mula sa DSS Productmakers Inc., franchise.

Sa katunayan, si Codamon ay pumirma ng tatlong taong kontrata sa Blu na magtatapos sa 2003, ngunit binalewala niya ang naturang kontrata nang puma-yag na maging practice player ng Alaska.

vuukle comment

ADAMSON FALCON

ANA FREEZERS

ATENEO-PIONEER

BLU SUN POWER

CHALLENGE CUP

CHINO TRINIDAD

CODAMON

ENERO

FREEZER KINGS

PIONEER INSURERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with