^

PSN Palaro

32 players mula sa MBA, lumahok na sa Annual PBA Draft

-
Kung noo’y pilit na inaagaw ng Metropolitan Basketball Association (MBA) ang mga manlalaro mula sa Philippine Basketball Association (PBA), ngayo’y mismong ang mga players ng una ang siya ng kusang sumasapi sa natatanging professional league sa Asia.

Ito’y matapos na humabol sa huling itinakdang araw ng PBA ang tinatayang 32 manlalarong mula sa MBA ang nag-file ng kani-kanilang aplikasyon para sa nalalapit na PBA Annual Drafting na gaganapin sa Enero 14 sa Glorietta Makati.

Ang 32 MBA players ay kabilang sa kabuuang 64 cagers kung saan 13 dito ay mula sa Philippine Basketball League, 12 na Fil-Foreign players at pito pang iba ana maghahangad na mapili para sa play-for-pay league na maituturing na siyang pinakamalaking bilang ng mga draftees sa kasay-sayan ng liga.

Bagamat ang Fil-Am na si John Hartly Arigo ang siyang top pick sa naturang Draft, tila nagdadalawang-isip pa rin si Red Bull coach Yeng Guiao kung kukunin niya ito.

"Hanggang ngayon 50/50 pa kami. Wala pa kaming desisyon," wika ni Guiao." Hindi pa rin naman natin sigurado kung sino pa ang ibang puwedeng dumating at mag-apply sa Draft."

At sa katunayan, buo na ang plano ng Thunder na siyang unang bubunot sa 10 koponan na si Willie Miller ng Nueva Ecija ang kanilang huhugutin na siguradong magpapalakas ng kanilang kampanya.

Ang 22-anyos at 6-foot-5 na si Arigo ay sa credential lamang mahusay, ngunit hindi pa ito personal na nasisilayan ng Thunder kumpara kay Miller.

Bukod kina Miller at Arigo, isa ring siguradong makukuha ay si Marvin Ortiguerra.

Kabilang naman sa 12 Fil-Am players sina dating San Francisco State standout Kenny Evans at ang 6-foot-4 na dating Glendora High guard Jason Henkey.

At sa balwarte naman ng MBA na kumalas sa kani-kanilang koponan ay kinabibilangan nina Rolando Basilides, Renato Morano, June Longalong, Jonathan Serrano, Gilbert Demape, Jovito Sese, Dave Bautista, Arvin Adovo, Michael Garcia, Oliver Bunyi, Francis Adriano, Jonathan de Guzman, Dominic Uy at Marlon Piodo at iba pa.

Ang lahat ng mga nag-apply ay mayroon pang pagkakataon hanggang huling oras ng Enero 9 para makumpleto ang kani-kanilang dokumento o kaya’y mabubura ang kanilang mga pangalan sa listahan kung sakaling hindi nila natapos ang mga kinakailang dokumento sa pagsapit ng Draft.

Kailangan ng mga Fil-foreign breeds na mag-sumite ng kani-kanilang Department of Justice confirmation bago sumapit ang Jan. 9 upang maging eligible, habang ang mga homegrown players ay kailangang magsumite naman ng kani-kanilang birth certificates o kaya’y scholastic record para maging eligible. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ARIGO

ARVIN ADOVO

DAVE BAUTISTA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOMINIC UY

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with