Sinabi ni BI Commissioner Rufus Rodriguez, ang application for recognition ni Evans ay binalewala ng board of Commissioner dahil sa pagkabigo nitong patunayan na siya ay Pilipino.
Ayon kay Rodriguez, hindi nakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento na magkukumbinsi na ang ina ni Evans ay isang Filipino citizen nang ito ay ipinanganak noong 1974.
Iniutos rin ni Rodriguez sa kanyang mga tauhan na higpitan ang pagsasagawa ng evaluation at screening sa mga manlalarong galing sa ibang bansa na gustong maglaro sa Pilipinas.
Ang naturang kautusan ay upang maiwasan na maulit pang muli ang naging kaso ng dating Mobiline player na si Asi Taulava, isang Tongan na naipatapon noong isang taon dahil sa hindi nito napatutoo ang kanyang Filipino citizenship ng kanyang ina.
Bukod kay Evans, naga-apply din ng recognition sina Jason Henkey, Ken Gumpen-berger, David Friedhop, Cesar Hernandez, Charles de Jesus, Jeremy Aniceta at Cali John Orfrecio. (Ulat nina Jay Mejias at Butch Quejada)