^

PSN Palaro

Petisyon ni Evans ng Cebu Gems ibinasura ng BI

-
Ibinasura kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang petisyon ng Amerikanong manlalaro na si Kenny Evans ng Cebu Gems para makapaglaro sa bansa dahil hindi nito napatunayan o nakapagpakita ng mga dokumento na siya ay may dugong Pilipino.

Sinabi ni BI Commissioner Rufus Rodriguez, ang application for recognition ni Evans ay binalewala ng board of Commissioner dahil sa pagkabigo nitong patunayan na siya ay Pilipino.

Ayon kay Rodriguez, hindi nakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento na magkukumbinsi na ang ina ni Evans ay isang Filipino citizen nang ito ay ipinanganak noong 1974.

Iniutos rin ni Rodriguez sa kanyang mga tauhan na higpitan ang pagsasagawa ng evaluation at screening sa mga manlalarong galing sa ibang bansa na gustong maglaro sa Pilipinas.

Ang naturang kautusan ay upang maiwasan na maulit pang muli ang naging kaso ng dating Mobiline player na si Asi Taulava, isang Tongan na naipatapon noong isang taon dahil sa hindi nito napatutoo ang kanyang Filipino citizenship ng kanyang ina.

Bukod kay Evans, naga-apply din ng recognition sina Jason Henkey, Ken Gumpen-berger, David Friedhop, Cesar Hernandez, Charles de Jesus, Jeremy Aniceta at Cali John Orfrecio. (Ulat nina Jay Mejias at Butch Quejada)

ASI TAULAVA

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CALI JOHN ORFRECIO

CEBU GEMS

CESAR HERNANDEZ

COMMISSIONER RUFUS RODRIGUEZ

DAVID FRIEDHOP

JASON HENKEY

JAY MEJIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with