Krusiyal na laban para sa Mr. Wash-FEU vs MLQU-Boysen
January 3, 2001 | 12:00am
Sisikapin ng Mr. Wash-FEU na maitakas ang kinakailangang panalo upang manatiling buhay ang kanilang tsansa na makapasok sa semifinals sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa nangungunang Boysen-MLQU sa pagbabalik ngayon ng aksiyon ng first Philippine Youth Basketball League sa Makati Coliseum.
Tanging pag-asa ng Laundry Experts, nag-iingat ng 2-2 win-loss slate na makapasok sa semis round ay ang talunin ang Paint Experts sa kanilang pang-alas-5:45 ng hapong sultada.
At ang kanilang kabiguan ang siyang puputol ng kanilang hangarin, ngunit may isa pa rin silang tsansa kailangang magdasal sila na matalo naman ang Skyland Estates sa huli nitong nalalabing dalawang asignatura.
At kung mangyayari ang ganitong senaryo, ito ay magreresulta ng three-way tie sa koponan ng Mr. Wash-FEU, Skyland Estate at Maynila at ang koponan na may pinakamataas na quotient ang siyang makakapasok sa susunod na round.
At ito ang dahilan kung bakit ibig ng Skyland Estate na makamit ang krusiyal na panalo kontra sa Mercury Freight-St. Benilde na nakatakda nilang tipanin sa alas-4 ng hapon upang masolo ang ikalawang puwesto at napalakas ang kanilang tsansa sa susu-nod na round.
Sa iba pang laro, haharapin ng Gringo-Barkadahan ang University of Assumption Pelicans sa alas-2:15.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am